
Madaling araw ng Huwebes (March 30) nang nilooban umano ang tahanan ng magkapatid na Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Jak Roberto.
Ayon sa ulat ni Mark Zambrano sa 24 Oras, dumaan daw ang menor de edad na nanloob sa bintana ni Sanya. Paalis na sana ang nanloob nang makasalubong niya manager nina Sanya at Jak.
Napabalitang cellphone lamang ng kasambahay nila ang nakuha. Sa pagmamadali nito ay naiwan naman niya ang kanyang relo.
Parehong wala sina Sanya at Jak sa kanilang bahay nang mangyari ang insidente. Ayon kay Jak, "Sumilip daw tapos nagulat, tapos tumakbo sabi na lang ng manager ko, "hoy sino ka?" Tapos nung bumalik na sa kuwarto kung saan siya nanggaling, noong una sa CR siya dumaan, nung umexit siya sa bintana na, 'yung malaki na."
Takot naman ang nararamdaman ngayon ni Sanya dahil sa nangyaring insidente, "After nung nangyari hindi ako makatulog eh. Kasi parang konting bumagsak lang, talagang nakahawak na ako sa puwedeng ihampas sa kanya eh."
Patuloy na iniimbistigahan ng Tandang Sora police ang insidente.
Panoorin ang kabuuang ulat:
Video from GMA News
MORE ON SANYA LOPEZ AND JAK ROBERTO:
Sanya Lopez, Jak Roberto and Hiro Peralta attend Christmas tradition of Kuya Germs
WATCH: Sanya Lopez, may sorpresa sa Little Sang'gres ng Pangasinan
Jak Roberto, voice actor na rin para sa 'Voltes V'