Grilled dishes ang pinagsaluhan nina Chef Boy Logro, Bettinna Carlos, Sanya Lopez, at Rocco Nacino para sa Valentine's Day episode ng Idol sa Kusina. Bukod sa pagtikim ng yummy dishes, ito ay nagsilbing date na rin ng Encantadia stars.
Unang niluto ni Chef Boy ang Tamarind Roasted Chicken. Kasabay nang pagluluto ni Chef Boy ay ang usapang Encantadia kasama ang kanilang bisita.
Kasing cheesy nina Sanya at Rocco ang next dish sa Idol sa Kusina. Panoorin kung paano inihanda ni Chef Boy at Bettinna ang Cheesy Tuna Spring Rolls kasabay ng pagbabahagi ng kanilang cheesy stories.
Kakaibang salad ang hatid ni Chef Boy at Bettinna sa kanilang mga bisita. Ito ay ang Grilled Caesar Salad na perfect sa mga magdi-date na mahilig sa vegetable dishes.
Panoorin ang next recipes na ibabahagi nina Chef Boy Logro at Bettinna Carlos this Sunday, 7:15 pm sa GMA News TV.
MORE ON 'IDOL SA KUSINA':
WATCH: 'Idol sa Kusina's' yummy gata dishes with Chef Boy Logro, Bettinna Carlos, and Migo Adecer
WATCH: Mga handa para sa Chinese New Year, itinuro nina Chef Boy Logro at Bettinna Carlos