
Ngayong araw, February 23, huling episode ng hit GMA Afternoon Prime series na Haplos.
"Siyempre may pag-sacrifice. Ano'ng mangyayari? Sino ba ang magsa-sacrifice? Si Gerald ba, si Benedict or si Angela? O si Lucille?" aniya sa dapat abangan sa kanilang finale.
Mami-miss naman daw niya ang cast at crew ng serye, lalo na at dito siya lubos na nahasa sa larangan ng heavy drama.
"Hindi ko makakaliumutan 'yung sampalan ni Lucille at Angela, 'yung sabunutan nila at ngudnguran sa palengke, lahat lahat," kuwento niya.
Kamakailan, nakipag-bonding din si Sanya sa ilang piling fans sa isang indoor target shooting range.
Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras: