
Daring at revealing sina Sanya Lopez at Derrick Monasterio sa kanilang upcoming film na Wild and Free. Malayo sa kanilang previous roles ang characters nila dito.
WATCH: Full trailer of Derrick Monasterio and Sanya Lopez's new film, 'Wild And Free'
Sa ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute ng 24 Oras, ikinuwento ni Sanya na nahirapan siya sa kanyang role, pero hindi niya ito pinagsisisihan.
"Hindi naman ako nagsisisi kasi gustong gusto ko 'yung natututo ako sa lahat ng ginagawa ko."
Si Derrick naman, siniguradong protektado ang kaniyang leading lady sa kanilang maseselang eksena.
Aniya, "Matagal ko na rin naman siyang kaibigan, so it's my way of protecting her, para hindi siya mabastos ng kung sino. I think it's about time kasi I'm in the right age din naman. I'm 23, and I've done a lot of teeny roles, and this is the only character that I haven't done in the past."
Ano naman ang nasabi ng kuya ni Sanya na si Jak Roberto nang makita ang trailer ng pelikula?
"Sabi naman niya sakin, 'pinagpe-pray ko na maging successful 'yang movie na 'yan," bahagi ng aktres.
Narito ang buong report: