What's Hot

WATCH: Sanya Lopez, naimpluwensyahan ni Winwyn Marquez na makinig sa K-Pop

By Cara Emmeline Garcia
Published May 28, 2019 10:57 AM PHT
Updated May 28, 2019 11:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News



Nahawa na raw si Sanya Lopez sa 'Dahil Sa Pag-Ibig' co-actor niyang si Winwyn Marquez sa pagkahumaling sa K-pop.

Natutuwa si Sanya Lopez na maganda ang samahan niya at ng kanyang co-stars sa set ng afternoon series na Dahil Sa Pag-Ibig.

Sanya Lopez & Winwyn Marquez
Sanya Lopez & Winwyn Marquez

Inamin ni Sanya na nag-click siya kaagad kay Winwyn Marquez kahit unang pagkakataon pa lang nilang makatrabaho ang isa't isa.

Dahil dito, nahahawa na raw siya kay Winwyn, lalo na sa hilig nito sa K-Pop.

Pahayag niya, “Siya na 'yung dahilan kung bakit ako nakikinig ngayon sa Blackpink pati sa BTS.”

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez) on

WATCH: Winwyn Marquez slays her “Boy With Luv” dance cover

Dagdag pa ni Sanya, dapat abangan ng mga manonood ang mainit na paghaharap ng mga karakter nila ni Winwyn sa Dahil Sa Pag-Ibig.

“Hindi lang puro sampalan, sakitan, o kaya suntukan.

“Mas maganda 'yung parang naglalabanan kayo ng salita pero may laman,” sabi ni Sanya.

Panoorin ang buong chika ni Lhar Santiago:

IN PHOTOS: The star-studded 'Dahil Sa Pag-ibig' mediacon

EXCLUSIVE: Winwyn Marquez, kinabahan sa kaniyang role sa 'Dahil Sa Pag-Ibig'