What's on TV

WATCH: Sanya Lopez, naiyak sa eksena ng DanQuil sa 'Encantadia'

By FELIX ILAYA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 8, 2017 7:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Protesters rally in Denmark and Greenland against Trump annexation threat
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



May mensahe ang dalawa para sa mga fans ng DanQuil. 

Sa February 6 episode ng Encantadia, kinoronahan bilang bagong reyna ng Lireo si Danaya at dahil dito ay hindi na siya maaaring magpakasal kay Aquil. Nagkaroon pa ng madamdaming eksena ang dalawa kung saan nag-aminan ang dalawa ng kanilang nararamdaman.

WATCH: What you've missed from Encantadia's episode on February 6

Dahil dito, tila marami sa mga fans ng DanQuil ay naapektuhan sa hiwalayan ng kanilang paboritong love team. Ultimo sina Sanya Lopez at Rocco Nacino ay tumutok din sa naturang eksena.

Ayon kay Sanya, naiyak daw siya nang mapanood ito sa TV.

Aniya, "Nung time na 'yun, talagang ramdam na ramdam ko 'yung eksena kaya habang pinapanood ko rin siya kahapon, parang naiiyak-iyak ako."

Nagpasalamat din si Rocco sa supporters ng love team nila ni Sanya.

"Sa simula pa lang ng Encantadia nandiyan na kayo para sa amin at talagang pinapalakas ng pinapalakas n'yo 'yung love team namin. Natutuwa kami na parami tayo ng parami kaya maraming salamat, Avisala Eshma sa inyo. 'Wag kayong malungkot, tumutok lang kayo sa Encantadia dahil marami pang mangyayari between Aquil and Danaya," saad ng aktor.

Panoorin ang exclusive video ng GMANetwork.com para makita ang reaksiyon nina Sanya at Rocco below:

 

 

 

 

 

 



EXCLUSIVE: Sanya Lopez at Rocco Nacino, nag... by encantadia2016

MORE ON 'ENCANTADIA':

 

 

WATCH: Glaiza de Castro, nakikita ang sarili kay Kate Valdez

LOOK: Inah de Belen, papasok sa 'Encantadia?'

11 makapigil-hininga moments sa labanang Emre, Ether, at Arde sa 'Encantadia'