GMA Logo Sanya Lopez
What's on TV

WATCH: Sanya Lopez, pinagkaguluhan nang bumoto sa kanyang presinto

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 10, 2022 9:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Hiyaw ng mga botante: "Acosta! Acosta!"

Pinagkaguluhan ang aktres na si Sanya Lopez nang pumunta siya sa kanyang presinto upang bumoto ngayong Eleksyon 2022.

Pagkalabas si Sanya sa silid-aralan kung saan siya bumoto ay naghiyawan ang mga tao ng "Acosta." Ginagampanan kasi ni Sanya ang titular role na First Lady Melody Reyes-Acosta sa top-rating GMA Telebabad series.

Habang naghihiyawan ang ilan, dinumog rin si Sanya ng mga tao upang makapagpa-picture.

Panoorin 'yan dito:

Sa First Lady, may posibilidad na tumakbo si Melody sa pagkapangulo ngayong nagpapagaling pa si President Glenn Acosta (Glenn Acosta).

Tatanggapin na kaya ni Melody ang hamon na tumakbo sa pagkapresidente?

Panoorin ang First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Samantala, kilalanin ang mga celebrity na bumoto noong Eleksyon 2022: