
Sa November 5 episode ng Victor Magtanggol, aatake ang mga Jotun sa miting de avance ng bayan ng San Juan.
Makikilala ni Victor ang isa sa mga ito, si Thrym (Ian Ignacio).
Samantala, mabibihag ng mga Jotun sina Lynette (Chynna Ortaleza) at Vivienne (Coney Reyes).
Patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.