
Hindi talaga maawat ang ka-cute-an ng anak nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow. Kitang-kita ito sa mga Instagram post ng mag-asawa at sa sariling social media account ng kanilang anak.
Ang pinaka-recent cute antic ni Scarlet ay ang pagbigkas ng Belo Medical Group tagline na "Only Belo touches my skin, who touches yours?"
Sumikat ang mga linyang ito matapos gamitin sa isang ad campaign noong 2011 kung saan tampok sina Rep. Lucy Torres-Gomez, Divine Diva Zsa Zsa Padilla at Asia's Songbird Regine Velasquez na hindi naman napigilan matuwa sa panggagaya ni Scarlet.
Who do you think did it better?