
Kabilang ang Pilipinas sa 19 na bansa na maaaring gumamit sa bagong dating feature ng Facebook na 'Secret Crush.'
Sa GMA online show na Stand For Truth, itinuro ni Atom Araullo kung paano gamitin ang special feature na ito sa social networking platform.
Aniya, "You just need to create a dating profile and after that, Facebook finds possible matches.
"From that list, you can select kung sino ang gusto mo."
Dugtong pa ng news anchor, "Hindi niya malalaman na gusto mo siya except kung gusto ka rin pala niya."
Sabi pa ni Atom, parang dating app na Tinder din daw ang 'Secret Crush' pero paglilinaw niya, "malaki 'yung chance na mas maka-match mo 'yung Facebook friends mo na matagal mo nang crush."
Panoorin ang buong video rito: