
Mapapa-hashtag "LIT" kayo sa tambalan nina Sef Cadayona at Kokoy de Santos bilang mga kikay sa hit comedy sketch ng Bubble Gang na "Bes Friends."
Talaga namang on point mula sa makeup at OOTD sina Ella (Sef Cadayona) at Olivia (Kokoy de Santos) na napapa-cringe sa mga nakikita nilang “kadiri” sa social media ng kanilang mga kakilala.
Sa exclusive feature ng longest-running morning show na Unang Hirit, ipinasilip ng mga Kababol ang ginagawa nilang paghahanda para sa shoot ng 'Bes Friends' sketch.
Ayon naman sa Kapuso gag show, umaabot ang transformation nina Sef at Kokoy ng halos isang oras.
Kuwento naman ni Sef sa Unang Hirit na bago pa sila sumabak sa shoot, binabasa na niya nang maigi ang kanyang lines.
Saad niya, “Nandito naman po ako sa script kung saan nilalagyan ko ng key points 'yung script namin para pagdating mismo sa set habang nare-reading kami, alam namin kung ano talaga 'yung gagawin.”
Heto ang pasilip sa patok na "Bes Friends" sketch ng Bubble Gang:
Mas kilalanin pa newest Kapuso comedy duo Sef Cadayona and Kokoy de Santos sa galleries below: