What's Hot

WATCH: Senator Grace Poe on Eddie Garcia, "Walang Fernando Poe Jr. kung walang Eddie Garcia"

By Cara Emmeline Garcia
Published June 13, 2019 11:21 AM PHT
Updated June 13, 2019 11:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Kahapon, June 12, dumalaw si Sen. Grace Poe para tignan ang kondisyon ng aktor at aniya wala raw Fernando Poe Jr. kung walang Eddie Garcia.

Nasa kritikal na kondisyon pa rin ang beteranong aktor na si Eddie Garcia na nanatiling nasa ICU o Intensive Care Unit ng Makati Medical Center.

Eddie Garcia
Eddie Garcia

Kahapon, June 12, dumalaw si Sen. Grace Poe para tignan ang kondisyon ng aktor at aniya wala raw Fernando Poe Jr. kung walang Eddie Garcia.

Dagdag pa niya, talaga raw tumatak ang mga pelikulang pinagsamahan ng dalawa kaya makalimutan man ang leading lady ni FPJ ay 'di raw malilimutan ang pagganap ni Garcia bilang kontrabida nito.

Pahayag ni Poe, “Hindi kumpleto minsan ang pelikula ni FPJ kung wala ang nag-iisang Eddie Garcia.

“'Yung palitan nila ng dialogue, mas nagiging exciting ang pelikula.

“Pero higit pa roon ay isa siyang tunay na kaibigan na hindi talaga iniwan ang aking nanay at ako nung nawala ang aking ama.

“Isa talaga siyang yaman ng ating bansa dahil sa dami ng pelikulang binigyan niya ng buhay ay isa siyang geniune na tao rin - di nang-iiwan, magalang, lapitin sa babae pero gentleman. 'Yan ang mga 'di natin makakalimutan sa kaniya.”

Patuloy na humihiling ang pamilya ni Eddie Garcia ng dasal para sa ikabubuti ng kalagayan ng beteranong aktor.

Panoorin ang buong ulat ni Darlene Cay: