What's on TV

WATCH: Seth Dela Cruz, kinagigiliwan sa kanyang first acting stint sa 'Mulawin VS Ravena'

By Al Kendrick Noguera
Published July 12, 2017 2:41 PM PHT
Updated July 12, 2017 5:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Liza Soberano hangs out with 'KPop Demon Hunters' singer Arden Cho
Why your fire safety plan needs financial backup
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed

Article Inside Page


Showbiz News



Sa ulat ni Nelson Canlas sa '24 Oras,' ikinuwento ni Seth ang reaksyon ng kanyang mga kaklase matapos siyang lumabas sa higanteng telefantasya bilang si Wak, ang anak nina Gabriel at Alwina.

Isa sa Kapuso child stars na napapanood tuwing gabi sa Mulawin VS Ravena ay ang first time actor na si Seth Dela Cruz. 

Sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, ikinuwento ni Seth ang reaksyon ng kanyang mga kaklase matapos siyang lumabas sa higanteng telefantasya bilang si Wak, ang anak nina Gabriel at Alwina.

"'Yung mga kaklase ko nagsigawan. Pati po 'yung mga teacher," saad ni Seth.  

Samantala, nakapanayam din ni Nelson ang mga magulang ni Seth. Ayon sa kanila, si Seth mismo ang nag-aya na mag-audition siya sa Mulawin VS Ravena. Hindi nila ipinagkait ang pagkakataong ito at sinuportahan nila ang kanilang anak.

Nag-iwan din sila ng mensahe para sa ibang mga magulang. Saad nila, "Disiplanahin natin 'yung mga anak natin kahit maliit pa lang at iparamdam po natin sa kanila na mahal na mahal po natin sila and willing po nating suportahan kung ano man 'yung gusto nila."

Narito ang kabuuan ng 24 Oras report.

Video from GMA News

Panoorin si Seth bilang Wak gabi-gabi sa Mulawin VS Ravena.