
Isang exciting at panibagong workout ang sinubukan ng Sexbomb dancer at aktres na si Aira Bermudez.
Para sa programang Pinoy MD, sumabak siya sa tinatawag na bungee workout.
Ang bungee workout ay isang bagong ehersisyo na gumagamit ng harness at bungee cord na nakakabit sa ceiling habang gumagawa ng iba't ibang mga galaw.
Sinasabing nakakapagpalakas ito ng core at nakakapag tone ng abs, braso, hita at binti.
"Ito intense pero super fun lalo na 'pag na-try nila. Sa nakikita pa lang nila, masaya na. Pero pag na-experience nila, sobrang saya. Magpapawis ka pero super nag-enjoy ka," ani Aira tungkol sa kanyang experience.
Panoorin ang workout ni Aira dito: