
Matapos maipalabas ang reunion project nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, nagsilabasan kaagad sa social media ang behind-the-scenes photos and videos ng kanilang TVC shoot.
Kinuhanan ito sa isang branch ng McDonald's sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Sa video na ipinost ni Gabby, tila hindi sila makasimula sa pag-shoot ng commercial dahil hindi magkamayaw ang kanilang fans sa pagkuha ng litrato sa kanila.
Saad niya, "Video before a take. Hindi kami maka-umpisa. Lol"
Nagkagulo man ang kanilang mga fans, masaya at positibo pa rin sina Sharon at Gabby dahil mainit pa rin ang pagtanggap sa kanilang tambalan.