
"Wala na, finish na," nakahinga ng sigh of relief si Sheena Halili nang mag-propose sa kaniya ang non-showbiz boyfriend niyang si Atty. Jeron Manzanero last August 2018.
Kuwento ng newly-engaged Kapuso actress sa Mars, iba raw si Jeron sa mga lalaking naka-date niya before.
Aniya, "Iba 'yung kilig. Siyempre nagkaroon din ako ng mga relationships before, super kilig. Sa kaniya mas nafi-feel ko 'yung secure ako, may kakampi ako. 'Yung alam kong kahit magkaroon kami ng misunderstanding, alam kong andyan ka lang. Hindi ka mawawala."
Panoorin ang buong nakakakilig na chikahan sa Mars video below: