
At 44 years old, nanatili pa rin ang youthful glow ni Sheryl. Sikreto raw niya ang pag-e-exercise sa pamamagitan ng hula-hoop para mapanatili niya ang 25-inch waistline niya.
Ani Sheryl, “It’s actually an activity for the entire family. At walang age limit basta maayos ang buto ng katawan mo.”
Hindi rin daw dapat kalimutan ang diet para lalong maging successful sa goal mo na ma-achieve ang sexy body na pinapangarap. Aniya, “Kasama rin diyan ang diet at tsaka ibang exercise like zumba. Amazingly talagang effort and time at tsaka patience.”
Samantala, dapat tutukan ng mga fans ni Sheryl Cruz ang kakantahin niyang original song sa patok na Kapuso music-serye na My Guitar Princess.
Sa panayam ni Sheryl sa Chika Minute, sinabi nito na malaking pribilehiyo ang ibinigay na oportunidad ng Kapuso Network na makanta niya ang "Isang Tibok Ng Puso" na isa sa official soundtracks ng My Guitar Princess.
Wika niya, “Malaking pribilehiyo hindi lang dahil isang original song siya, malaking pribilehiyo na ginawa ko siya sa GMA at isa pa na maririnig ng mga manonood ng My Guitar Princess.”