
Alamin ang qualities na kailangan para sa pangarap mong #RelationshipGoals
Happily married ang showbiz royalties na sina Bossing Vic Sotto at ang kanyang Eat Bulaga co-host na si Pauleen Luna. Busog sa pagmamahal, food trips at paglalakbay ang mag-asawa.
Kahit noong una ay marami ang nagduda sa kanilang relasyon dahil sa agwat ng kanilang edad, pinatunayan ng dalawa na para sila sa isa’t isa nang nauwi ang kanilang four-year relationship sa altar noong Enero.
LOOK: Pauleen Luna, ecstatic to spend Christmas with Bossing as Mrs. Sotto
“She’s always been supportive kahit noong bago kaming kasal at lalo nang magsama na [kaming] dalawa talaga. ‘Yun naman ang isa sa mga quality niya na talagang naibigan ko,” kuwento ni Bossing sa report ng Unang Hirit.
Ang paglalaan naman ng oras sa inyong mahal sa buhay ang sikreto ni Kapuso multitalented actress na si Solenn Heussaff. Sa katunayan, marami ang natutuwa sa aktres at sa kanyang Argentinian husband na si Nico Bolzico.
LOOK: Nico Bolzico’s new Instagram post about “wifezilla” Solenn Heussaff
Paano nga ba makamit ang kanilang #RelationshipGoals? Saad ng sexy actress, “Just be there for your loved ones, just always give time and always be there to listen to them.”
Samantala, hindi maitago ni Kapuso comedian Rufa Mae Quinto ang kanyang saya na finally ay ikinasal na siya sa man of her dreams na si Trevor Magallanes at malapit na rin niyang isilang si Baby Alexandria.
Aniya, “Excited, parang mas masaya, dumoble ang saya. Todo happiness!”
WATCH: Rufa Mae Quinto’s wedding video will make you laugh & cry over & over again