
Ang maingay, siguradong talo!
Na-challenge ang grupo nina Glaiza De Castro, Buboy Villar, Mikael Daez, at special guest na si Epy Quizon sa 'Silent Mukbang' mission nila kagabi, October 2, sa high-rating reality show na Running Man Philippines.
Kailangan nilang tahimik na kumain ng masasarap na Chinese food para sa kanilang mission, dahil sa oras na lumagpas sa 70 ang decibel meter ay may parusa na dadagdagan ang kanilang kinakain.
Goal nila ang makakuha ng fastest time sa pag-ubos ng lahat ng hinain sa harapan nila.
Mabilis na nag-viral ang episode highlight na ito ng Running Man Philippines at meron na itong mahigit one million views sa Facebook.
Ulit-ulitin ang funny moments ng blue team with their Silent Mukbang mission sa video below.
KILALANIN NAMAN ANG ATING MULTI-TALENTED CELEBRITY RUNNERS HERE: