
Kitang-kitang happy at in-love ang Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa media conference ng Love Of My Life.
Habang nasa media conference, hiningan sina Tom at Carla ng kanilang reaction sa balitang ikinasal na ang Love Of My Life co-star nilang si Mikael Daez sa long-time partner nitong si Megan Young.
Ani Tom, "Sila 'yung peg ko ever since nakita ko 'yung love story nila nasa kabila pa lang kami.
"So sabi ko kanina sa kaniya, 'Congratulations at thank you dahil 'di mo ako binigo.' Kaya peg ko talaga sila."
Gagayahin din ba nina Tom at Carla ang clandestine wedding nina Mikael at Megan?
Para kay Carla, ayos lang naman daw sa kaniya kahit hindi ito isikreto, ang mahalaga lang ay maging intimate ang kanilang ceremony.
Biro naman ni Tom na hinihingi niya na raw kay Mikael ang wedding suppliers nito at sinabing si Carla raw ang magpo-propose sa kaniya.
Panoorin sina Tom at Carla sa media conference ng Love Of My Life sa Kapuso Showbiz News video below:
Abangan sina Carla, Tom, Mikael, Rhian Ramos, at Coney Reyes sa world premiere ng Love Of My Life ngayong February 3 na!