Mayroong ginanap na beauty contest sa Sarap Diva nitong Sabado, March 4. Ito ay ang labanan ng ganda at rampahan sa pagitan nina Terry "Inday" Gian at Sinon "Rogelia" Loresca.
Bago pa man sumalang sa beauty pageant sina Terry at Sinon, ipinagluto muna sila ni Regine Velasquez-Alcasid ng Special Humba.
Ang pa-beauty contest na ito ay ginanap sa tahanan ni Regine kung saan nakasama rin nila sina Kim Idol at si Lharby Policarpio.
Hindi naging madali ang labanan dahil dumaan sila sa question and answer portion. Wala mang titulo at korona na mai-uuwi, mukhang na-enjoy pa rin naman nina Terry at Sinon ang outcome ng contest na ito.
Abangan ang isa na namang makulit na Sabado ng umaga kasama si Regine Velasquez-Alcasid sa Sarap Diva.
MORE ON 'SARAP DIVA':
WATCH: Regine Velasquez, binigyan ng jacket ang DonEkla
WATCH: Regine Velasquez-Alcasid, Raul Mitra, at Terry Gian, sumabak sa larong 'Hep Hep Hooray!'