What's on TV

Sino ang pupuntahan ni Kakai Bautista sa Laguna kung makakagala siya for 24 hours?

Published May 19, 2020 2:43 PM PHT
Updated May 24, 2020 5:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPOLCOM warns, urges public to report fake socmed pages
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay and Tekla with Kakai Bautista in YouLol Tonight


Napasabak ang comedienne na si Kakai Bautista sa "24 Questions" ng 'YouLol Tonight Presents The Boobay and Tekla Show.'

Riot sa katatawanan ang YouLol Tonight Presents The Boobay and Tekla Show last Friday, May 15, lalo na at nakasama nina Boobay at Tekla ang tinaguriang Dental Diva na si Kakai Bautista.

Sa naturang live chat, game na sumagot ang singer/actress sa fun segment nina Boobay at Tekla na "24 Questions."

Sa unang tanong, sinabi ni Kakai ang gusto niya puntahang lugar kung bibigyan siya ng 24 hours saan para gumala.

Aniya, "Kung papayagan ako lumabas, siyempre pupunta ako sa pamilya ko. Dadalawin ko sila. Okay na ako doon, wala na ako ibang pupuntahang iba, doon lang. Gusto ko makita ko pamilya ko sa Laguna."

Napahalakhak naman ang lahat sa naging sagot ni Tekla.

Hirit kasi ng Kapuso comedian, "Ah ako? Kung papayagan ako na lumabas hindi [na lang] baka mahuli ako. Stay home, stay home, stay home!"

Para naman kay Boobay, gusto niya mag-relax kung sakali kaya pupunta daw ito sa spa para magpamasahe.

Aniya, "Pupunta ako, ito totoo [talaga] sa masahian [laughs]. Baka malay mo bukas, magpapamasahe lang naman kasi 'di ba, ang dami na nating lamig."

Catch the full live chat of YouLol Tonight with Boobay, Tekla, and Kakai Bautista in the video below.

Experience unlimited fun by hitting the Like and Subscribe buttons to get the latest content in YouLol.

Hashtag ng 'YouLol' live chat 'Ladies Room,' numero uno sa Twitter PHL!

First-ever live chat ng comedy channel ng 'YouLol,' tinutukan ng netizens