What's on TV

WATCH: Sino ang ukay-ukay princess na sumali sa 'StarStruck?'

By Maine Aquino
Published February 5, 2019 10:00 AM PHT
Updated February 5, 2019 10:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News



“Ukay-ukay Princess” ng Bacoor, Cavite, sinubukan ang #TheStarStruckExperience para tuparin ang pangarap na makapasok sa showbiz.

Kilalanin si Anthonet Valenzuela, ang StarStruck season 7 hopeful na binansagang “ukay-ukay princess” ng Bacoor, Cavite.

Si Anthonet ay isa sa mga auditionees na pumila at sumubok sa #TheStarStruckExperience para tuparin ang pangarap na makapasok sa showbiz.

Nais niya umanong magsilbing inspirasyon pagdating sa self-confidence at self-expression.

IN PHOTOS: #TheStarStruckExperience begins

Kuwento ni Anthonet, sa kanyang pamimili ng damit sa ukay-ukay ay nadiskubre niyang hindi kailangang gumastos para maging fashionable.

"Gusto ko po ma-inspire 'yung other people na porket mahirap ka, hindi ka na puwedeng pumorma."

Dagdag pa niya, "Naniniwala po ako na it's not about the brand, it's how you showcase."

Kaya naman nag-iwan si Anthonet ng payo sa mga kabataang nais na maging confident sa kahit anong estado pa ng buhay.

"Basta be true to yourself and have confidence."

Panoorin ang kabuuang StarStruck story ni Anthonet: