
Ibinuking ni Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas kung sino sa kanilang dalawa ng kanyang fiancé na si Gerald Sibayan ang unang na-in love.
“'Yung totoo? Siya! Sinasabi niya, ako daw,” kuwento ni soon-to-be Mrs. Sibayan, “Alam mo kung bakit? Ayaw ko ng maitim. First time kong boyfriend na maitim.”
Inamin naman ng Kapuso star sa panayam ni Lhar Santiago sa Unang Hirit na siya ay selosa, “Kung sino-sino [ang pinagseselosan ko]. Walang kwenta.”
Madalas naman siyang sinusuyo at sinosorpresa ng kanyang boyfriend, “Mataas pride ko eh. Sa buong relationship namin, hindi niya nakakalimutan ‘yung monthsary namin na meron siyang flowers.”
Unang ipinakilala ni Comedy Queen si Gerald sa kanilang first TV guesting sa Road Trip in El Nido noong Linggo (October 15). Nakatakda namang ikasal ang dalawa ngayong Disyembre at lumipad patungong Japan upang magbakasyon for three days pagkatapos ng naturang church wedding.
Panoorin ang full report:
Video courtesy of GMA News