Ngayong Hulyo, masisilayan na natin ang mahusay na pagganap ni Kapuso star Kris Bernal sa dalawang karakter sa 2017 remake ng Impostora.
Paiba-iba man ang kanyang mukha sa serye, iisa lang ang gusto niyang gayahin sa totoong buhay. Sa katunayan, madalas niyang i-stalk ang Kapuso sweetheart na ito. “Idol ko si Heart [Evangelista. Sinabi ko rin sa kanya [na] super [ko siyang] fina-follow sa Instagram [at] lagi kong chine-check ang stories [niya]. Sabi niya, ‘Loka-loka ka!’”
Maimpluwensiyang tao naman kagaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nais punan ni Kapuso leading man Rafael Rosell sa loob ng isang araw, “Para malaman ko kung ano'ng nangyayari talaga sa bansa natin. At the same time, you’ll be at the pinnacle where you can influence how the country runs.”
Gusto naman ni Traffic Diva Aicelle Santos na maging si Wonder Woman, “Ang ganda niya kasi. Nakakainis, ‘di ba? ‘Yung qualities niya na being strong and talagang hindi niya pinapakita ang kahinaan niya dahil babae lang [siya].”
Kilig na kilig naman ang aktres na si Assunta de Rossi marinig ang pangalan ni Lucy Torres, “Ang ganda niya eh [at] complete opposite [ko].”