Celebrity Life

WATCH: Sino-sino daw ayon kay Michael V ang mga taong nako-kornihan sa mga hirit niya?

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 16, 2017 11:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News



May bashers ang Kapuso comedy genius?

Makulay ang naging takbo ng career ng multi-awarded comedian na si Michael V sa Kapuso Network.

Laging kinakabit sa pangalan ni Bitoy ang salitang “loyalty” at muli niya itong napatunayan nang pumirma siya muli ng contract with GMA-7 kahapon, March 15.

Michael V on maintaining his squeaky clean image: "Hindi ka makahanap ng dahilan para magloko"

Sa one-on-one interview ng Unang Hirit host na si Lhar Santiago kay Michael V, tinanong ito kung paano niya isasalarawan ang mahigit sa dalawang dekada niyang pananatiling Kapuso.

Sagot niya, “Roller coaster may taas, may baba pero masaya all the way.”

Hindi alam marahil ng marami na bukod sa pagiging artista ay aktibo rin sa pagko-conceptualize ng show si Bitoy para sa GMA-7. Sa katunayan original concept niya ang Sunday night sitcom na Tsuperhero.

Ano-ano naman kaya ang mga most memorable shows na mga nagawa niya bukod sa Bubble Gang at Pepito Manaloto?

“Yung Bitoy’s Funniest Videos tsaka ‘yung Bilib Ka Ba,” tugon ni Michael V.

May apat nang anak ang Kapuso comedy genius sa kaniyang misis na si Carol Bunagan. Ito ay sina Milo, Yanni, Migo, at Maypaul.

Dagdag pa ng Kapuso comedian na kahit sa likod ng camera ay makulit at kenkoy din siya pagkasama ang kaniyang pamilya.

Biro nito,“Ganun pa rin sira ulo pa rin [laughs]. ‘Yung mga anak ko nako-kornihan sa akin.”

Nagpamalas din ng drawing skills si Bitoy sa panayam sa Unang Hirit. Silipin ang ginuhit niyang larawan ni Kuya Lhar sa video na ito:

Video from GMA News

More on MICHAEL V:

16 things you didn't know about Michael V

The Ultimate Michael V Throwback

Snapshots of Michael V's parody songs