
Sinon Loresca and Francine Garcia strike again!
Kung sa naunang videos ay pagrampa lang ang ginawa ng King of Catwalk at Super Sireyna grand winner, pagbobote naman ang kanilang paandar ngayon.
WATCH: Sinon Loresca at Francine Garcia, nag-catwalk na naka-swimsuit sa palengke!
Sa Instagram account ni Sinon, mapapanood sila ni Francine na nakasakay sa isang kariton na may mga lamang bote. Pareho pa silang nakasuot ng pulang gown at high heels.
"Spread the funny vibes NOT hating or bashing each other. Just LOVE LOVE LOVE and be happy," ani Sinon sa caption.
Excited na rin siyang muling makasama ang kanyang Indonesian fans sa kanyang pagbalik sa Jakarta sa November.