
Certified viral ang video ng Bubble Gang babe na si Kim Domingo at Impostora actor Sinon Loresca.
LOOK: Boyfriend buffet at the 'Bubble Gang' summer special shoot
Nagpatalbugan kasi ang dalawa kung sino ang pinakamagaling rumampa at ang video nila sa Instagram ay may mahigit sa 211,000 views na.
Kasama rin sina Kim at Sinon sa summer episode shoot ng Bubble Gang sa Lubao, Pampanga at nagpatikim na ang dalawa sa kanilang mga social media accounts kung ano-ano ang mga dapat abangan dito.
IN PHOTOS: 'Bubble Gang' bikini wars in Lubao, Pampanga
Sa panayam naman ng 24 Oras, hindi maiwasan magbiro ni Sinon Loresca patungkol sa hot summer body ni Kim Domingo.
Ani Sinon, “Ang pinaka-threat po talaga dito sa akin sa Bubble Gang si Kim Domingo. Pinaghahandaan ko po talaga, ikaw Kim ha naasar ako tinatalo mo ‘yung boobs ko eh (laughs).”
Ayon kay Kim, todo rin daw ang paghahanda ng buong cast para sa kapana-panabik nilang summer episode.
Saad niya, “Well lahat naman kami dito sa Bubble Gang sobrang sexy at for sure lahat naman kami dito naghanda for this.”
MORE ON 'BUBBLE GANG':
16 things you didn't know about Michael V
#Throwback: 20 Bubble Gang comediennes we terribly miss
IN PHOTOS: Nine guys we terribly miss watching on 'Bubble Gang'