
Hindi lang My Special Tatay castmates ang kayang i-prank ni Ken Chan dahil ngayon, kahit ibang Kapuso stars binibiktima na rin ni Boyet sa "'Pag Lumingon Ka Akin Ka" challenge!
Sa panibagong video na in-upload ni Ken sa kaniyang Instagram, susubukan niyang palingunin ang Sarap 'Di Ba host na si Carmina Villarroel.
Ano kaya ang reaksyon ng veteran actress dito?
Alam n'yo ba na si Carmina ang original host ng show na Day Off na siya namang hino-host ngayon ni Ken?