
Ngayong gabi sa Encantadia, makikipagtuos ang mga Diwata at Sapiryan laban sa mga Hathor at Etherian.
Mula nang makatakas si Hagorn sa lihim na piitan sa Lireo ay nagsimula na siyang maghasik ng lagim laban sa mga Diwata. Sa katunayan nga ay pinaslang pa niya si Avria upang siya pa rin ang kilalaning pinakamahigpit na kaaway ng mga Sang'gre at makuha ang Brilyante ng Hangin at Diwa sa reyna ng Etheria. Sa paghaharap ni Hagorn at ng mga Sang'gre na mayroong hawak na tatlong brilyante, sino ang mananaig?
Encantadia Teaser Ep. 201: Paniningil kay Hagorn by encantadia2016
Abangan 'yan mamaya sa Encantadia pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
MORE ON 'ENCANTADIA':
WATCH: What you've missed from 'Encantadia's episode on April 25
Encantadia BTS: Jinri Park calls Marian Rivera 'goddess'
EXCLUSIVE: Staring game challenge with Azulan and Pirena