
Katulad ng kasabihang “With great power, comes great responsibility,” malaki ang pagpapahalaga nina Snooky Serna at Ashley Ortega sa kanilang kontrabida powers sa primetime epic serye na Sahaya.
Para sa millennial kontrabida na si Ashley, very challenging ang pagganap sa kaniyang karakter na si Lindsay kaya masusi niyang pinag-aaralan ng mabuti ang kanyang role.
“Yung attack ko dun is something deeper. It's more of family kung bakit ako galit sa kanya.
“First time ko magkontrabida sa primetime sa GMA. So of course, nape-pressure din ako.
"But I will use that pressure to motivate myself and to do better,” aniya.
Sa kabilang banda, kakaibang hamon para kay Snooky Serna ang kaniyang pagganap niya bilang si Salida kumpara sa ibang roles na kaniyang ginampanan.
Kuwento ng aktres, swabe at pailalim ang pang-aapi ni Salida kaya ginagalingan niyang mabuti ang kanyang role sa serye.
Ani ni Snooky, “I'm praying so hard na maging effective na kontrabida.”
Panuorin ang buong ulat sa chika ni Nelson Canlas:
'Sahaya' tops Twitter trends list, earns positive feedback from netizens
Anne Curtis voices support and admiration for Jasmine's acting in 'Sahaya'