
Pasabog ang bagong hair color ng aktres na si Snooky Serna para sa taong 2019.
Red orange kasi ang napili niyang ipakulay sa kaniyang buhok, na nabigyang buhay naman ng hairstyle expert na si Fred Penales ng tanyag na salon na Hairshaft.
Ayon kay Snooky, inspired daw ng color of the year na living coral ang napili niyang kulay para sa kaniyang buhok.
"Ito po, choice ko. Kasi 'di ba orange (hue) daw 'yung color of the year. Orange is my favorite color," aniya.
Matingkad ang kulay ng kaniyang buhok na nagmistulang katulad ng buhok ng karakter na si Poison Ivy mula sa Batman.
Alamin ang iba pang trendy hairstyles ngayong taon sa buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News