
Inamin ng 12-year-old Kapuso star na si Sofia Pablo na crush niya ang kanyang 16-year-old love team partner na si Will Ashley.
Napaamin ang tween star nang tuksuhin siya ng kaniyang kapwa Kapuso stars na sina Kyline Alcantara at Jerald Napoles sa Sunday PinaSaya noong Linggo, June 3.
Payo ng kaniyang Ate Marian Rivera, “Alam mo, okay lang iyan. Baste importante mag-aaral ka nang mabuti, kumbaga, iyan ang inspirasyon mo.”
Sina Sofia at Will o SoWill ang back-to-school ambassadors ng sikat na local apparel na Boardwalk.