What's on TV

WATCH: Solenn Heussaff at Andrea Torres, excited na makatrabaho ang isa't isa sa 'Alyas Robin Hood' sequel

By Michelle Caligan
Published July 13, 2017 4:45 PM PHT
Updated August 4, 2017 5:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

78 Pinoy trafficking victims freed in Myanmar — DFA
Elderly woman loses more than P50K in e-wallet modus
Indonesian rising star Arash Buana to play first-ever international shows in Manila

Article Inside Page


Showbiz News



Nagbabalik si Andrea bilang si Venus habang si Solenn naman ang isa sa bagong characters na papasok sa hit primetime series.

Parehong excited sina Andrea Torres at Solenn Heussaff sa kanilang pagsasama sa second season ng Alyas Robin Hood. Nagbabalik si Andrea bilang si Venus habang si Solenn naman ang isa sa bagong characters na papasok sa hit primetime series.

FIRST LOOK: At the story conference of the 'Alyas Robin Hood' sequel

"I'm very, very happy na makaka-work ko na siya finally, kasi lagi kaming nagsasama sa mga guesting lang," kuwento ni Andrea kay Lhar Santiago ng 24 Oras.

Sinang-ayunan naman ito ni Solenn. "Sa guestings sa Taste Buddies, sa Sunday All Stars dati. First time ko na maka-work siya bilang actress talaga, so I'm really excited kasi alam ko magaling siya talaga."

?Inamin din ni Andrea na masyado nang napamahal sa kanya ang role niya bilang Venus. "Nung natapos ang first season namin, kahit na alam ko na may kasunod pa rin, parang ang hirap bitawan, nakakabitin. Sobra ko siyang na-embrace, sobra akong nag-focus sa kanya."

Dagdag pa niya, "Kailangan may something else akong maibigay, 'yun ang challenge sa akin. 'Yun ang pinag-iisipan ko ngayon, kung ano pa ang panggulat ang puwedeng gawin for Venus.?

Si Solenn naman, looking forward sa fight scenes na na-miss din nyang gawin. "I'm really happy to be part of this project. Sobrang talented ng buong cast. Alam ko medyo astig din ang teleserye na 'to so I'm sure I'm going to have a lot of fight scenes din."

Panoorin ang buong report:

Video from GMA News