Celebrity Life

WATCH: Solenn Heussaff at Nico Bolzico, nakalipat na sa kanilang bagong bahay

By Bea Rodriguez
Published June 18, 2018 3:14 PM PHT
Updated June 18, 2018 3:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rain over parts of PH on first day of 2026 — PAGASA
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Kailan nagsimulang maglipat ang mag-asawang Bolzico sa kanilang bagong bahay? Alamin.

Mula sa isang condominium unit, lumipat na ng bahay ang celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico.

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn) on


Pitong taon nang nagsasama ang mag-asawa na ikinasal noong 2016 at plano na nilang palakihin ang kanilang pamilya.

Nagsimula maglipat sina Solenn at Nico noong unang linggo ng Hunyo at base sa kuwento ng aktres sa Balitanghali ay nakatira na sila sa bago nilang bahay.

Ayon sa Kapuso star ay naging hands-on siya, “From pull out ng lahat ng gamit to set in ng lahat to connecting ‘yung mga cables ko and mga detalye sa wall, ako talaga ‘yung nakabantay.”

Marami mang pinagkakaabalahan si Solenn, nagagawa pa rin niyang maging asawa at isingit sa kanyang busy showbiz schedule ang kanyang hobbies tulad ng pagta-travel at pagpipinta.

Nakaabang na raw ang kanyang susunod na exhibit, “Wala akong dates pero next year, for sure. ‘Yung mga theme ko, everything about greenery.”

Video courtesy of GMA News