
Isa sa mga special skills ng Kapuso actress na si Solenn Heussaff ang mag-makeup. Hindi alam ng marami na bukod sa fashion designing, nag-aral ang Alyas Robin Hood star kung paano maging magaling na makeup artist.
Sa panayam ni Solenn sa Unang Hirit, ni-reveal nito na naisipan niyang mag-aral matapos siya mabigo sa pag-ibig. Kuwento niya, “Actually nag-aral ako ng fashion designing and pattern making, three years sa France. Tapos bumalik ako dito to get back on my boyfriend, tapos hindi nag-work. So na-heartbroke [sic] ako, so kailangan ko makahanap what will I study? So sabi ko sige mahilig naman ako mag-paint, sige mag-try ako ng makeup.”
At hindi lamang simpleng makeup ang nagagawa ng sultry singer, kundi kaya rin ng misis ni Nico Bolzico ang gumawa ng prosthetics.
“Sobrang nagustuhan ko ‘yung makeup, so after ng first course ko of three months I added another year of makeup prosthetics.”
Kaya naman lagi raw takbuhan ng mga kaibigan si Solenn tuwing Halloween para makumpleto ang kanilang OOTD.
“Lahat ng Halloween lagi ako. Actually it's not really an advantage to know napapagod ako. Dapat masaya Halloween, tapos ilang mukha kailangan kong gawin. Eh walang bayad, kaibigan-kaibigan price lang.”
Video courtesy of GMA News