
Isang bagong yugto ng kanyang buhay ang pinagkakaabalahan ngayon ni Kapuso actress Solenn Heussaff.
Nagsisimula na raw kasi sila na maglipat ng bahay ng kanyang asawang si Nico Bolzico.
Sa isang condominium unit nakatira ang mag-asawa sa kasalukuyan. Nais daw nila ng mas malaking space kasabay ng plano nilang palakihin ang kanilang pamilya.
"It's in the plan. Kaya dapat mas malaki na para may space ako—may painting area, may para sa mga dogs ko, para sa anak, may cage para kay Nico," pabiro niyang kuwento.
Nakatakda namang mapanood si Solenn sa hit GMA Telebabad series na Inday Will Always Love You.
Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News