What's on TV

WATCH: Solenn Heussaff, isa sa mga leading lady ni Dingdong Dantes sa 'Alyas Robin Hood'

By Bea Rodriguez
Published August 9, 2017 4:01 PM PHT
Updated August 9, 2017 4:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hudson Williams, Tom Blyth sit front row together at Milan Fashion Week
Kapin 1.9 Million Deboto, Nisalmot sa Solemn Foot Procession | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Magiging karibal ni Venus si Iris (Solenn Heussaff) sa puso ni Atty. Pepe de Jesus sa pagbabalik ng Alyas Robin Hood sa GMA Telebabad.

Magiging karibal ni Venus si Iris sa puso ni Atty. Pepe de Jesus sa pagbabalik ng Alyas Robin Hood sa GMA Telebabad.

 

Today's shoot with #lorealparisph . Cant wait for the upcoming products!!!! Especially the Ber months!

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn) on


Handa nang makipagpasiklaban sa kaseksihan si Kapuso star Solenn Heussaff bilang si Iris laban kay Venus na ginagampanan ni Andrea Torres.

“I was super, super happy [at] shocked din nang konti [na parang], ‘Ha? Totoo ba ito?’ Sabi nila, leading lady ka with Andrea. Sabi ko, ‘Oh my God, ang galing-galing pa niya’ so I’m [going to] learn a lot from this show also,” saad ng aktres sa Balitanghali.

May baon ng skill set ang aktres mula sa kanyang active lifestyle at ang pagganap bilang si Cassiopea sa requel ng Encantadia.

Aniya, “Every day nag-gym ako. Tumatakbo ako ng mga 10K tapos may app din ako sa phone na pang-abs, arms, legs tapos on the side naman, I do biking tapos boxing and then Pilates na type pero mas intense lang.”

Handa na rin siya sa mga buwis buhay action scenes katulad ng mga ginawa niya sa hit telefantasya, “’Yung twirls sa likod ng mga stunt men, ako din iyan, ‘yung mga cartwheels, ako din iyan so it’s [going to] be a good continuation at baka mas maganda pa ‘yung mga moves ko dito kasi may training ako ng one year with Encantadia.”

Subaybayan ang pagdating ni Iris sa buhay ni Pepe sa muling pagbalik ng Alyas Robin Hood ngayong Lunes na!