
Manggugulat daw si Solenn Heussaff sa pagbabalik ng kaniyang karakter na si Lianne sa hit Kapuso primetime series na Love You Two.
Sa rom-com series, gumaganap siya bilang ex-fiance ni Jake na ginagampanan naman ni veteran actor Gabby Concepcion.
Sa mga pinakitang flashback, free-spirited pero prim and proper ang karakter ni Solenn.
Pero sa pagbabalik niya, may pagka-boho chic na ang kaniyang pananamit at may nose ring pa.
Ayon kay Solenn, mas kakaiba raw ang plot twist ng kaniyang istorya na dapat antabayanan ng mga manonood.
Aniya, “Mas magugulat sila sa story ni Lianne at kung bakit sila naghiwalay and there's a different twist.
“Sa lahat ng plot ng teleserye mas kakaiba 'yung twist na ito and sa tingin ko magugulat 'yung mga tao.”
Patuloy na panoorin ang Love You Two, mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Sahaya sa GMA Telebabad!
Panoorin ang buong chika ni Aubrey Carampel: