
Forever baby ng Heussaff household ang Kapuso star na si Solenn Heussaff kahit kasal na at may sariling buhay na kasama si Nico Bolzico.
Aminado ang 32-year-old actress na umuuwi pa rin siya sa pamamahay ng kanyang mga magulang sa Makati tuwing Linggo.
Mahilig sa outdoor activities si Mrs. Bolzico kaya binabalik-balikan niya ang pool sa bahay na kinalakihan niya noon.
“[Sa] bahay ng parents ko iyan so tuwing Sunday nandoon ako. Kapag nagpe-paint ako, sa balcony ng parents ko. Gusto ko ‘yung araw kasi,” kuwento ng aktres sa Unang Hirit.
Kasalukuyang naninirahan si Solenn sa isang condominium sa Taguig City kasama ang kanyang asawa, “Apartment pa lang ‘yung sa akin ngayon so medyo maliit pa. Wala pang garden [at] wala pang [pool].”