
Nagsama ang dalawang social media stars na sina Heart Evangelista at vlogger na si Mimiyuuuh sa isang kulit video blog na trending ngayon!
READ: Heart Evangelista gives advice about fitting in and being accepted
Naranasan ni Mimiyuuuh kung paano ang buhay ng isang Queen of Creative Collaborations for a day.
Ang vlog niya ay may mahigit 400,000 views na as of writing.
Isa sa mga highlights ng video ni Mimiyuuuh ay mismong si Heart ang gumawa ng makeup niya bago sila pumunta sa opening ng Bumgarner Studios sa Rockwell, Makati. Sa tuwa ng vlogger, nasabi nito, “Nahawakan na ako ni Ms. Heart. Nafi-feel ko talaga 'yung essence ni Virgin Mary sa iyo, Ms. Heart.”
Pumatok din sa Twitter ang hirit niya na “Love Marie, pray for us” na trending din kagabi.
Taos-puso naman ang pasasalamat ni Mimiyuuuh sa opportunity na maka-collaborate ang StarStruck council member na si Heart Evangelista.
Na-meet din ni Mimiyuuuh ang asawa ni Heart na si Sorsogon Governor Chiz Escudero.
Nakumbinsi kaya niya ang politician husband ni Love Marie na bilhan siya ng bag?
Panoorin sa viral vlog ni Mimiyuuuh below!