
Nagtipon-tipon ang maraming mahuhusay na mga artista mula sa iba't ibang henerasyon para bigyang buhay ang special presentation ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Tampok kasi sa upcoming episode nito ang kuwento ng isang pamilyang nagtagumpay dahil sa sipag at tiyaga ng mga miyembro nito.
Mapapanood dito sina Glydel Mercado, Lotlot de Leon, Gardo Versoza at Marita Zobel.
Kabilang din sa naturang episode sina Sanya Lopez, Ervic Vijandre at Valerie Concepcion.
Hindi naman nagpahuli ang mga child stars na sina Seth dela Cruz at Chlaui Malayao, na bahagi rin ng istorya.
Panoorin ang special presentation na pinamagatang Tatlong Henerasyon ng Sipag at Tiyaga ngayong Sabado, February 9 sa Magpakailanman.