What's on TV

WATCH: Starstruck female finalists, ready nang i-level up ang iba pa nilang talento bukod sa pag-arte

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 28, 2019 4:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Ready nang ipamalas ng Starstruck female finalists ang kani-kanilang galing upang matupad ang kanilang mga pangarap at magkaroon ng sarili nilang pangalan sa showbiz.

Ready nang ipamalas ng Starstruck female finalists ang kani-kanilang galing sa ibang larangan bukod sa pag-arte.

Starstruck female finalists
Starstruck female finalists


Bukod sa pag-arte, nagpipinta rin Ella Cristofani ng mga damit at mga pantalon.

"Nagpe-painting po ako sa mga damit: sa mga pants, sa mga shirts. Sobrang nakaka-enjoy, nakakawala ng stress," saad ni Ella.

Handa namang i-level up nina Rere Madrid at Pamela Prinster ang kanilang galing sa pagkanta upang matupad ang kanilang mga pangarap at magkaroon ng sarili nilang pangalan.

WATCH: Rere Madrid, Ella Cristofani, Lexi Gonzales, and Shayne Sava reveal their deep dark secrets

Flattered naman sina Shayne Sava at Lexi Gonzales na naikukumpara sila sa mga kilalang aktres na sina Kris Bernal at Katrina Halili.

EXCLUSIVE: Lexi Gonzales finds motivation to survive 'StarStruck' through her family

Kinagigiliwan naman ang natural na pagiging kenkoy ni Dani Porter pero gusto niya rin daw makilala pagdating sa kanyang pag-arte.

"Passion ko po talaga 'to bata pa lang ako.Gusto ko nag-i-inarte sa salamin," ani Dani.

Aminado naman si Angelic Guzman na kailangan niya pa ng maraming workshop para lalong mapabuti ang kanilang pag-arte.

Aniya, "Ako po ngayon po talaga, let's be honest, kailangan ko pa po talaga ng training sa acting pero gagawin ko po lahat para maging better po."