
Para sa huling artista test ng StarStruck season 7 finalists, sensitibong roles ang gagampanan nina Kim De Leon, Allen Ansay, Lexi Gonzales, at Shayne Sava.
Pero bago pa man sila umarte sa harap ng camera, nakipag-usap sila sa mga eksperto para magampanan nila ang kanilang roles.
Sa kanilang gagawing short film, sina Allen at Kim ay gaganap bilang isang taong nalulong sa bawal na gamot. Sina Lexi at Shayne naman ay gaganap bilang magkapatid na may problema sa pag-iisip.
Panoorin ang ginawang paghahanda ng Final 4 sa Inside StarStruck.