
Sa Inside StarStruck ay ipinakita ng boys ang kanilang galing sa pag-arte bilang bida-kontrabida sa kanilang bagong artista test sa StarStruck.
This week, ang mentor ng Final 7 para sa artista test ay si Direk Mark Sicat Dela Cruz na direktor rin ng The Better Woman. Sina Kim De Leon, Abdul Raman, at Allen Ansay ay nagpakita ng kanilang mga talento at technique sa pag-arte kasama ang aktres na si Carmina Villarroel.
Sino kaya sa tatlo ang may impressive performance base sa kina Direk Mark at Carmina? Sino naman kaya ang nahirapan? Alamin ito sa Inside StarStruck.