
Mainit ang tinanggap ng mga taga-Balayan, Batangas ang kanilang kababayan at Ultimate Male Survivor ng StarStruck 7 na si Kim de Leon sa kanyang homecoming.
Taos-puso naman na nagpasalamat si Kim sa mainit na pagtanggap sa kanya sa Balayan, na nagdiriwang din ng Kalle Basa Festival.
"Maraming maraming salamat po sa ating lahat, sa wakas po natuloy din ang aking pag-uwi, ang aking homecoming," saad ni Kim.
Binigyan din si Kim ng dalawang award ng local government.
Samantala, nakisaya rin ang The Gift stars Alden Richards, Mikee Quintos, Mikoy Morales, Martin del Rosario, at Ysabel Ortega sa Kapuso Mall Show sa Dagupan, Pangasinan.
Alamin ang buong detalye sa report na ito ng 24 Oras: