
Kapuso actress Stephanie Sol endorses potato chip brand Piattos.
Tampok si Kapuso actress Stephanie Sol sa bagong TV commercial ng potato chip brand na Piattos.
Sa commercial, makikitang nasa isang inflatable pool si Stephanie kasama ang mga cute na aso habang nag-e-enjoy sa pagkain ng potato chips.
Ibinahagi rin ni Stephanie ang isang behind-the-scenes video ng shoot sa kanyang Instagram account.
Marami nang naging commercials ni Stephanie para sa iba't ibang brands tulad ng Magic Flakes, Nescafe at Lipton.
Mapapanood din siya sa pinakabagong GMA Afternoon Prime series na Sinungaling Mong Puso, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Magkaibang Mundo.
MORE ON STEPHANIE SOL:
WATCH: Stephanie Sol's different reactions to 'Tumaba ka yata'
Stephanie Sol shows off abs for birthday shoot