
Paano nga ba maging fresh and fashionable ngayong tag-init?
Tip ni Inagaw na Bituin star Kyline Alcantara to choose comfort over style.
“Ipakita mo lang kung ano 'yung mood mo as of the moment. Kasi kung sumasang-ayon yung damit mo sa sarili mo, you'll feel confident talaga."
Tuwing off days naman ni Sahaya star Bianca Umali, mas pinipili niya ang mga simpleng pananamit.
“Favorite outfit ko talaga [ay 'yung] sobrang presko lang. Malaking t-shirt lang tsaka sneakers.
“Kasi when you dress up, dapat you flaunt kung sino ka talaga eh,” dagdag pa niya.
Ano naman ang must-haves ni Kate Valdez para maging fresh all day?
Aniya, “Laging magdala ng shades, cap, or payong para may pangsangga tayo sa init.”
Alamin pa ang ibang tips ng fashionable Kapuso celebs sa chika ni Cata Tibayan: