What's Hot

WATCH: Sunshine Cruz, gustong makatrabaho ang mga kanyang celebrity cousins

By Marah Ruiz
Published June 4, 2018 3:27 PM PHT
Updated June 4, 2018 3:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Kahit hindi nagkikita palagi, close pa rin daw ang magpipinsan na sina Sunshine Cruz, Donna Cruz, Geneva Cruz at Sheryl Cruz. 

Mula sa isang kilalang showbiz clan ang aktres na si Sunshine Cruz.

Bahagi kasi siya sa pamilyang Cruz na kinabibilangan din ng mga singer-actresses na sina Geneva Cruz, Donna Cruz at Sheryl Cruz.

Sa kanilang apat, sina Sunshine at Sheryl na lang ang active sa showbiz. Based na kasi sa Amerika si Geneva, habang sa Cebu naman naninirahan si Donna. 

Gayunpaman, napapanatili daw ng magpipinsan ang kanilang close relationship.

"Very active kasi sa pag-like ng mga photos namin sa Instagram," kuwento ni Sunshine.

"We are very close. Even if we don't see each other very often mahal ko 'yang mga 'yan. Very proud at close ako sa kanila," dagdag pa nito. 

Dahil parehong may GMA projects sina Sunshine at Sheryl, open ba silang magkatrabaho? 

"Oo naman, hindi lang sa serye kundi sa iba pang proyekto kasama rin 'yung mga pinsan natin sa Cebu at sa Amerika," ani Sheryl.

"Oo nga ate She. Napakasaya niyan kung magkasama sama tayong lahat. Pero kahit ikaw na muna kasi wala sila sa showbiz ngayon. Ikaw na lang muna, sana makatrabaho kita," pag sangayon naman ni Sunshine. 

Panoorin ang bahagi ng kanilang interview sa Tonight With Arnold Clavio: 

Video from GMA Public Affairs