
Masaya sina Sunshine Dizon at Mike Tan dahil muli silang magsasama para sa unang istorya ng Wagas na pinamagatang 'Throwback Pag-ibig.'
'Wagas,' magbabalik at mapapanood na sa GMA-7
Nagkasama na noon sa Ika-6 Na Utos sina Sunshine at Mike kaya't natuwa sila na muli silang magkakatrabaho at hindi na sila mag-a-adjust para sa isa't isa.
"Siyempre masaya kasi hindi ka na maiilang dahil kilala mo na 'yung work ethics nung tao," ani Sunshine.
Dagdag ni Mike, "Palagay na kami pagdating sa pag-arte especially doon sa Ika-6 Na Utos so I think mas magiging madali 'tong trabaho namin ngayon."
Kasama nina Sunshine at Mike sa 'Throwback Pag-ibig' sina Leanne Bautista at Regine Angeles.
Para kay Regine, kinakabahan siya pero excited siya dahil pangarap niya ang maging kontrabida.
"Siyempre kinakabahan pero ayan 'yung pangarap kong role e, maging kontrabida," ani Regine.
"Para maiba naman kasi laging mabait, best friend ni ganito, ganyan. Para maiba naman, masarap laruin ang kontrabida e."
Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras: